MANILA, Philippines — Inutos na ng Department of Health sa pamilihan na tanggalin sa merkado ang mga suka na mapapatunayang gumamit ng sangkap na synthetic acetic acid.
Ayon kay Health Undersecretary at Food and Drug Administration (FDA) officer-in-charge Eric Domingo, hinihintay na lamang nila ang certification ng mga manufacturers ng suka kung gumamit sila ng synthetic acetic acid.
Sinuman aniya ang mapatunayan na gumamit ng synthetic acetic acid ay agad tatanggalan ng certificate of product registration upang hindi na maibenta ang kanilang produkto.
Muli ring iginiit ni Domingo na walang epekto ang synthetic acetic acid sa kalusugan kundi sa kalidad lamang ng suka.