MANILA, Philippines — Suportado ng Malacañang ang pagrepaso sa memorandum of understanding ng Pilipinas at Kuwait kasunod ng pagkamatay ng isang domestic helper na Pilipino rito kamakailan.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello lll na mayroong paglabag sa kasunduan sa naging kaso ng nasawing Pinay.
Noong Biyernes ay nakipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs sa Kuwait authorities kaugnay sa imbestigasyon sa pagkamatay ng Pinay worker na si Constancia Dayag.
Hinihintay na lamang ng DFA ang autopsy report sa bangkay ni Dayag.
Ayon naman kay Bello, dapat managot ang Kuwait government sa pagkasawi ni Dayag dahil sa contusions at hematoma.
Pinag-aaralan din ng DOLE ang panawagan na deployment ban ng OFW sa Kuwait dahil sa insidente.