MANILA, Philippines — Kinokondena ni Catanduanes Congressman Cesar Sarmiento ang desperadong aksyon ng kanilang mga kalaban para mapaurong siya at kaniyang kapatid na kumakandidato sa kanilang lalawigan.
Kasabay nito ay isiniwalat din ni gubernatorial candidate Sarmiento ang puwersahang pagpasok ng limang armadong kalalakihang nakasuot ng uniporme ng militar at naka-bonnet sa kanilang bahay sa Brgy. Ibong Sapa, Virac, Catanduanes.
Si Sarmiento na 3-term sa pagiging congressman ay tumatakbo ngayon bilang gobernador sa lalawigan.
“I am appalled that it was just labelled as pure harassment by the Catanduanes provincial police. But trying to kidnap the congressman’s grandson where the perpetrators forcibly entered the house, destroyed the door locks and such was just branded harassment,” pahayag naman ng kapatid nito na si Jorge Sarmiento (kumakandidato namang congressman sa lalawigan). Matinding pagbatikos ang ipinukol ni Jorge Sarmiento sa panghaharass sa kaniyang kapatid na siya ring provincial chairman ng PDP-Laban dahil sa mga desperadong aksyon ng kanilang mga kalaban.
Sa ulat ni Catanduanes Police Provincial Director, Col. Paul Abay na isinumite sa Camp Crame, ang mga armadong lalaking pumasok sa bahay ng mga Sarmiento kung saan pinosasan sina Rey Vargas, 71, naka-duty na guwardiya at ang caretaker na si John Tabios, 31. Pinagdidistrungka ang mga pinto ng bawat silid. Mabilis namang nakapagtago ang kanyang anak at apo.