Magnitude 6.5 na lindol tumama sa bandang Eastern Samar

Nangyari ito isang araw matapos yanigin ng magnitude 6.1 na lindol ang malaking bahagi ng Luzon, na nag-iwan ng 16 kumpirmadong patay.
Philstar.com

MANILA, Philippines — Hindi pa man natatapos ang mga aftershocks ng lindol kahapon, tumama naman ang panibagong pagyanig sa Visayas, hapon ng Martes.

Naitala ang epicenter ng lindol malapit sa San Julian, Eastern Samar, kaninang 1:37 p.m.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Siesmology, tectonic ang origin nito.

Naiulat naman ang sumusunod na "reported intensities":

Intensity VI (Very Strong)

  • San Julian, Eastern Samar

Intensity V (Strong)

  • Tacloban City
  • Catbalogan City, Samar
  • Gen. McArthur, Salcedo at Guiuan Eastern Samar 
  • Naval, Biliran
  • Catarman, Northern Samar
  • Palo at Pastrana, Leyte

Intensity IV (Moderately Strong)

  • Abuyog, Hilongos, Javier, Capoocan, Julieta, Baybay, Barogo, Jaro, MacArthur, Matalum, at Villaba, Leyte
  • San Francisco, Southern Leyte
  • Bislig City, Surigao Del Sur
  • Iloilo City
  • Naga City
  • Sorsogon City
  • Panganiban, Catanduanes

Intensity III (Weak)

  • Binalbagan, Negros Occidental
  • Cabalian, Southern Leyte
  • Dimasalang, Masbate
  • Butuan City
  • Cabadbaran City

Intensity II (Slightly Felt)

  • Bago City
  • Bacolod City

Makikita ang pagsasalarawan sa iba't ibang intensity rito.

Parehong inaasahan ang mga pinsala at aftershocks sa panibagong pagyanig ng lupa.

Ayon sa PHIVOLCS, wala namang pinangangambahang tsunami mula sa huling earthquake.

Nangyari ito isang araw matapos yanigin ng magnitude 6.1 na lindol ang malaking bahagi ng Luzon, na nag-iwan ng 16 kumpirmadong patay, ayon sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Tuloy-tuloy pa rin ang nangyayaring rescue operations sa gumuong supermarket sa munisipalidad ng Porac.

Una nang inirekomenda ng provincial government na maisailalim ang buong probinsya ng Pampanga sa state of calamity.

Inirekomenda na rin ni Speaker of the House Gloria Macapagal-Arroyo na mailagay sa state of calamity ang probinsya.

Show comments