Ex-Maguindanao Gov. guilty sa graft

Sa desisyon ng 4th division ng anti-graft, guilty si Ampatuan ng 63 counts ng falsification of public documents at malversation of public funds dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng construction at lumber materials para sa repair ng iba’t ibang gusali ng paaralan mula 2008 hanggang 2009.
Facebook Photo

MANILA, Philippines — Hinatulan ng Sandiganbayan ng hanggang 40 taong pagkakakulong si dating Maguindanao Governor Datu Sajid Islam Ampatuan dahil sa kasong graft.

Sa desisyon ng 4th division ng anti-graft, guilty si Ampatuan ng 63 counts ng falsification of public documents at malversation of public funds dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng construction at lumber materials para sa repair ng iba’t ibang gusali ng paaralan mula 2008 hanggang 2009.

Nadiskubre ng prose­kusyon na walang aktuwal na delivery ng mga materyales mula sa Abo Lumberyard and Construction Supply kung saan sinasabing binili ang mga construction materials.

Sinentensyahan ang dating gobernador ng 12 taong pagkakulong sa kasong graft, anim na buwan hanggang walong taon para sa bawat isang bilang ng falsification, at reclusion perpetua dahil sa malversation case.

Pinagbabawalan na rin siyang pumasok sa anumang puwesto sa gobyerno at pinagbabayad ng P37.74 milyong multa para sa malversation of public funds.

Pinayagan naman ng korte si Ampatuan na pansamantalang ma­kalaya kung makakapaglagak ng P1.58 milyon hanggang Lunes.

Show comments