MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa pagpanaw ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) vice chairman at speaker-to-be of the parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Ghazali Jaafar kahapon dahil sa kidney failure.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, maituturing na “warrior of peace” si Jaafar na nagsilbing chairman ng MILF peace panel mula 1996 hanggang 1997 at vice chairman ng MILF Political Affairs.
“The Palace takes this opportunity to send our heartfelt condolences to the family members and friends of Mr. Jaafar. He has fought many battles for peace and may Allah grant him a place in Jannah (Paradise),” pahayag ni Panelo.
Matagal ng may iniindang sakit si Jaafar at hindi na nito nakayanan kaya binawian ng buhay sa edad na 75.
Kinilala ng gobyerno ang naging kontribusyon ni Jaafar sa pagsusulong ng Bangsamoro Organic Law.
Si Jaafar ay nagsilbi ring Bangsamoro Transition Commission chairman bago ang naganap na referendum sa Bangsamoro Organic Law (BOL) kamakailan na siya namang pumalit na sa ARMM. (Joy Cantos)