Palasyo natuwa sa EJK survey

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng Malacañang na pito sa bawat 10 Pilipino ang naniniwalang seryoso ang administrasyong Duterte upang resolbahin ang umano’y problema sa extra judicial killings (EJK).

 Ang nasabing survey ng SWS ay kasama ring nakapaloob sa ikinasa nitong survey na nagsasabing 78 porsiyento ng mga Pilipinong nasa ka­tegoryang “adult” ang nangangamba na maaaring mabiktima sila o ang kanilang kakilala ng EJK.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ang ginagawang pag-aalipusta ng mga nasa oposisyon sa drug war ng Pangulong Duterte ay hindi na nga pinapansin ng publiko.

Show comments