MANILA, Philippines — Naniniwala ang mayorya ng mga Filipino na sangkot ang mga pulis sa illegal drug trade at extra judicial killings gayundin sa pagtatanim ng mga ebidensiya laban sa mga drug suspects, batay sa survey ng Social Weather Station (SWS).
Lumitaw sa SWS survey, 68 percent ng mga Filipino ang naniniwalang sangkot sa iligal na droga ang mga pulis habang 5 percent lamang ang hindi naniniwalang may kaugnayan ang mga pulis sa drug syndicate.
Sa isyu naman ng EJK, 66 percent ang naniniwalang sangkot ang mga pulis dito at 5% ang hindi naniniwala habang sa isyu naman ng pagtatanim ng ebidensiya ng pulis sa mga drug suspects ay 57% ang naniniwala habang 9% ang hindi.
Isinagawa ang survey noong Disyembre 16-18, 2018 sa may 1,440 indibidwal mula Luzon, Visayas at Mindanao.