MANILA, Philippines — Dumalaw si Pangulong Duterte sa puntod ng kanyang ina sa Davao Public and Roman Catholic Cemetery, kamakalawa ng gabi.
Sinabi ni dating Special Assistant to the President Bong Go, alas-11:30 ng gabi sila dumating ni Pangulong Duterte at nag-alay ng dasal at nagsindi ng kandila sa puntod ni Ginang Soledad Roa-Duterte para sa 7th death anniversary nito.
Ayon pa kay SAP Bong, ng bumuti ang pakiramdam ng Pangulo matapos magka-sinat ay nagpasya na ito na bisitahin ang kanyang magulang.