MANILA, Philippines — Tutol si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na magsagawa ng imbestigasyon ang Kamara kaugnay sa umano’y passport data breach sa Depatment of Foreign Affairs (DFA).
Paliwanag ni Arroyo, hindi naman trabaho ng Kamara ang pagsasagawa ng mga imbestigasyon kundi in aid of legislation lang.
Subalit duda pa rin siya kung may mabubuo pang panukala na maisusulong ang kasalukuyang kongreso sa mga nalalabi nilang buwan bago matapos ang 17th Congress.
Iginiit naman ni Speaker na mas nais niya na magkaroon ng oversight committee na titingin lamang sa mga ipinatutupad na panuntunan ng ahensiya ng pamahalaan.