MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police na walang whitewash sa imbestigasyon sa pagpatay sa aide ni Atty. Glenn Chiong.
Ito ay kasunod ng paghimok ni Police Regional Office 4A Dirctor Chief Supt. Edward Carranza sa mga pamilya nina Richard Santillan at Gessamyn Casing na makiisa sa imbestigasyon ng kanilang Internal Affairs Service.
Sina Santillan at Casing ay nasawi sa shootout sa Cainta, Rizal noontg isang buwan.
Iginiit ni Carranza na ang IAS ay isang independent investigating body na may motu proprio power o kapangyarihang magsagawa ng imbestigasyon kung may paglabag ang mga miyembro ng PNP sa isang operasyon.
Sa ngayon anya ay umaandar na ang summary dismisssal proceedings kung saan tinutukoy ang liability at kinakalap ang mga ebidensya para sa posibilidad ng paghahain ng kasong kriminal o administratibo.
Matatandaang sina Santillan at Casing ay nasawi sa sinasabing engkuwentro sa mga pulis sa Floodway, Brgy. San Andres, Cainta, Rizal, noong December 10, 2018.
Si Santillan ay driver/bodyguard ni dating former Biliran Rep. Atty. Chong na nagsabing hindi ito miyembro ng sindikato dahil matagal na itong nagseserbisyo sa kanya.
May hinala rin si Chong na siya ang talagang target ng police operation dahil sa mga ibinulgar na poll fraud.
Kinontra naman ito ni Carranza sa pagsasabing hindi kasama ni Chong si Santillan nang 24/7.