Okada pinapaaresto ng korte

Sa warrant na inilabas nuong Biyernes ni Judge Rolando How ng Branch 257 ng Parañaque RTC, inatasan nito ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na bitbitin sa korte si Okada at co-accused na si Takahiro Usui.
AFP

MANILA, Philippines — Ipinapaaresto ng Parañaque Regional Trial Court si Japanese gaming mogul at pachinko king Kazuo Okada kaugnay ng kasong umano’y paglustay sa mahigit $3 milyong pondo ng Okada Manila casino resort.

Sa warrant na inilabas nuong Biyernes ni Judge Rolando How ng Branch 257 ng Parañaque RTC, inatasan nito ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na bitbitin sa korte si Okada at co-accused na si Takahiro Usui.

Nauna nang indicted ang dalawang akusado ng prosecutor ng Department of Justice (DOJ) sa tatlong sala ng estafa na pinaparusahan sa ilalim ng Article 315 of the Revised Penal Code.

Inilagay ni Judge How ang piyansa sa P348,000 sa bawat kaso na kinakaharap ng akusado para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa tatlong magkakahiwalay na criminal information na isinampa ng DOJ prosecutors nuong December 28, inakusahan sina Okada at Usui ng “conspiring, confederating and mutually helping one another” sa iligal na paggastos sa pondo ng Okada Manila sa pagitan ng November 2016 at May 2017.

Sa isang resolusyon nuong Disyembre, minarapat ni Assistant State Prosecutor Ajejandro Daguiso na paharapin si Okada sa paglilitis sa kasong estafa dahil sa reklamo ng Tiger Resort Leisure & Entertainment Inc., may-ari ng nasabing hotel resort sa Parañaque.

Si Okada ang chief executive officer ng TRLEI hanggang kalagitnaan ng 2017.

Show comments