MANILA, Philippines — Tumaas ang public satisfaction rating ng Senado, House of Representatives, Supreme Court, at maging ng Gabinete sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).
Ang survey ay isinagawa sa ikatlong quarter ng taon mula Setyembre 15 hanggang 23. Umabot sa pitong puntos ang itinaas sa rating ng Senado kung saan ang dating +41 porsiyento noong Hunyo ay naging +48 porsiyento.
Animnaput dalawang porsiyento ng mga respondents ang nagsabing “satisfied” sila sa trabaho ng Senado, samantalang 14 percent ang nagsabing ‘hindi’ at 23 percent ang ‘undecided.’
Nasa 11 puntos naman ang itinaas ng Kamara sa +36 porsiyento at 12 puntos sa Korte Suprema sa +31 porsiyento. Ang Gabinete naman ay tumaas ng 6 na puntos mula sa +25 noong Hunyo ay naging +32 noong Setyembre.
Isinagawa ang “face-to-face” interviews sa 1,500 na adults sa buong bansa. Katulad ng inasahan, nagpasalamat si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa naging pagtaas ng satisfaction rating ng Senado.
Pinasalamatan din nito ang lahat ng senador na nagbibigay umano ng iba’t ibang output na napapakinabangan ng taumbayan.