MANILA, Philippines — Sa tatlong rehiyon muna sa bansa unang maipatutupad ang Suggessted Retail Price (SRP) sa bigas.
Ito ang nilinaw ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa planong paglalagay ng SRP sa bigas upang maging makatwiran at abot kaya ito ng mamamayan.
Anya, ang 3 pilot areas na unang lalagyan ng SRP ang mga panindang bigas ay sa Metro Manila, Southern Tagalog at Central Luzon.
Sinabi ni Piñol na sa darating na Martes pa dedesisyunan ng NFA council ang ipatutupad na SRP sa bigas sa Northern Luzon, Bicol, Visayas at Mindanao gayundin ang SRP ng bigas sa mga supermarket
Ayon kay Piñol, plano nilang magpaskil ng poster ng SRP sa mga palengke para sa kapakanan ng pubiko.Nagplano ang DA na maglagay ng SRP sa bigas upang maiwasan ang pagsasamantala ng ilang negosyante sa presyuhan nito sa merkado at gawing abot kaya ng lahat ang presyo ng butil.