Anomalya sa pabahay ibinunyag

Sinabi ni Evardone na natisod niya ang impormasyon na may tinatawag na mobilizers na tumutulong sa mga informal settlers para makumpleto ang mga papeles at malakad na mapabilis ang proseso ng kanilang mga housing units.

MANILA, Philippines — Ibinunyag ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na mayroong mala-fixer na namamagitan sa Housing beneficiaries at housing agencies para sa pagproseso ng mga ini-award na Housing units sa informal settlers.

Sinabi ni Evardone na natisod niya ang impormasyon na may tinatawag na mobilizers na tumutulong sa mga informal settlers para makumpleto ang mga papeles at malakad na mapabilis ang proseso ng kanilang mga housing units.

Giit ng kongresista, matatawag umanong fixer ang mga mobilizers dahil naniningil ang mga ito sa Housing beneficiaries na kahit sa buwanang hulog sa pabahay ay may cut pa ang mga ito.

Idinagdag pa ni Evar­done, na ito ay ilegal kaya dapat na panghimasukan ng Kamara su­balit, ayon naman kay Housing Committee Chairman Albee Benitez, na nakwestyon na nila dito ang housing agencies at inatasan ang mga ito na ipatigil ang operasyon ng mobili­zers.

Show comments