Pagbago sa insurance tinututulan ng LCSP

MANILA, Philippines — Mariing tinututulan ng Lawyers for Commuters Safety and Protection ang panukalang  baguhin pa ang maayos na pangangasiwa sa personal passenger accident insurance ng dalawang accredited consortium ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

 Ito ay reaksiyon ng LCSP sa ginanap na pagdinig ng  House committee on Metro Manila Development na tumatawag na baguhin ang maayos na sistema sa pagbibigay ng insurance protection sa mga mananakay. Idiniin ni LCSP FFounding Chairman Ariel Inton na kung may ginawang konsultasyon sa  transport sector ay maiiwasan anya ang kaguluhan.

Show comments