Inayunan ng korte
MANILA, Philippines — Balik kalsada na ulit ang App-based motorcycle ride hailing service na Angkas.
Ito ay matapos maglabas ng preliminary injunction ang Mandaluyong Regional Trial Court (RTC) na nagpapahintulot sa muling pag-arangkada ng motorcyxle taxis ng Angkas.
Sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development, sinuportahan ng Kamara ang court order at sinabing matagal ng inaabangan ng publiko ang balitang ito na magbibigay ng alternatibong transportasyon sa mga mananakay.
Nabatid na baga-ma’t maraming proyekto para mapabuti ang lagay ng transportasyon sa bansa ay hindi na rin makapaghintay ang publiko para sa MRT-7 at subway kaya kailangan na ngayon ang Angkas.
Ang court order na iprini-sinta sa pagdinig ni Angkas Operations Head David Medrana ay nagsasaad na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay bawal makialam, manggipit, direkta man o hindi, sa operasyon ng Angkas; manghuli ng kanilang mga tsuper na gina-gampanan ang kanilang hanap-buhay gamit ang app ng Angkas; at sa iba pang mga kilos na nagbabawal, humaharang, o pumipigil sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo.”
Matatandaan na noong nakaraang taon ay boluntaryong tumigil sa operasyon ang Angkas matapos silang pigilan ng LTFRB sa pamamasada.
Subalit, ang patuloy na paglala ng suliranin sa transportasyon, ang madalas nang aberya sa MRT at mabigat na trapiko sa mga pangunahing lansangan, ay nagpaigting sa panawagan na magkaroon ng alternatibong transportasyon nitong mga nakaraang buwan.
Ito rin ang nagtulak sa grupong Transport Watch na ipaglaban ang kanilang adbokasiya na mangalampag para sa mas madaling pagbiyahe at mas malawak na mga pagpipiliang paraan ng transportasyon.
Ayon kay Transport watch lead convenor George Royeca na sa bigat ng mga kasulukuyang problema sa lagay ng transportasyon at pagbibiyahe na pabigat sa mga commuter, ma-tindi ang pangangaila-ngan ng agarang regulasyon sa motorcycle taxi. (Gemma Garcia)