MANILA, Philippines — Nakitaan ng sapat na porma ng House Committee on Justice ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Teresita de Castro at anim pang mahistrado.
Sa ginawang botohan ng komite, 21 ang bumoto para sa sufficient in form sa impeachment complaint na inihain ng Minority bloc sa pangunguna ni Albay Rep. Edcel Lagman, Magdalo Rep. Gary Alejano at Ifugao Rep. Teddy Baguilat. Hindi naman nakasama bilang complainant si Akbayan Rep. Tom Villarin dahil sa wala siyang pirma sa reklamo.
Nag-mosyon naman si Ako Bicol Rep. Tom Villarin na i-consolidate ang pitong complaint laban sa Chief Justice at sa anim na mahistado kabilang na dito sina Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, Joel Tijam, Andres Reyes at Alexander Gesmundo.
Sa ilalim ng House Rules, mayroong 60 session days ang komite upang magpasya sa reklamong impeachment mula ng ito ay mai-refer sa kanila ng plenaryo.