Nasaan ang flood control project?

Sinabi ni Castelo, chairman ng Metro Manila Development, na nakakadismaya na lubog sa baha ang malaking bahagi ng Metro Manila gayong noong Enero pa lamang ng taon ay nakahanda na ang P25 bilyon Metro Manila flood control Management project.
Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Matapos ang malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga katabing lalawigan dahil sa Habagat kaya hinahanap ni Quezon City Rep. Winston sa Department of public Works and Highway (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMD) ang flood control projects nito.

Sinabi ni Castelo, chairman ng Metro Manila Development, na nakakadismaya na lubog sa baha ang malaking bahagi ng Metro Manila gayong noong Enero pa lamang ng taon ay nakahanda na ang P25 bilyon Metro Manila flood control Management project.

Nagtataka rin ang Kongresista, kung bakit na­tatagalan ang DPWH at MMDA sa nasabing proyekto at sa pag-bid out nito gayung halata naman na dapat na itong unahin lalo at madalas ang pag ulan at pagbaha.

Dahil dito kaya inatasan ni Castelo ang DPWH at MMDA na mag-update sa kanya kung ano na ang nangyayari sa flood control projects.

Show comments