MANILA, Philippines — Walang nakikitang banta ng destabilisasyon ang Philippine National Police laban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, sa ngayon ay wala silang namo-monitor na destabilization plot laban sa administrasyon.
Maging sa kanilang intelligence monitoring umano ay zero information ang PNP at wala silang nakukuhang impormasyon.
Hindi naman matiyak ni Albayalde kung dapat pa nilang kausapin si Boy Saycon para sa sinasabing destabilization plot.
Ito ay dahil si Saycon ang nagpalutang na may tangkang pagpapatalsik sa Pangulo ng ilang lider ng Simbahang Katoliko matapos ang pahayag ni Duterte na “stupid God’.
Samantala, sinabi naman nina Ifugao Rep. Baguilat. At Akbayan Rep. Tom Villarin na wala nang basta naniniwala sa sinasabi ni Saycon.
Sinabi pa nina Baguilat at Villarin na ang pagkakasama kay Saycon para makipagdayalogo sa simbahan ay paraan lamang para lalong magkahati-hati ang mga mananampalataya.