MANILA, Philippines — Nababagalan at hindi kuntento si Pangulong Duterte sa usad ng Build, Build, Build projects ng gobyerno partikular sa mga probinsiya.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang nais ng Pangulo ay makakita ng aktuwal na implementasyon at hindi lang puro drawing board na ipini-prisinta sa kanya.
Sinabi ni Roque, ang hinahanap ng Presidente ay mas maraming groundbreaking na dadaluhan nito partikular sa labas ng Metro Manila.
Aminado si Roque na naiinip na at sadyang nababagalan aniya ang Chief Executive sa phasing ng build, build, build project.
Nanawagan ang Pangulo na bilisan nito ang pagpapatupad ng mga proyekto upang maramdaman ng bawat Filipino ang ginhawang dulot ng Build, Build, Build.