Vice mayor pinasisibak ng Ombudsman sa relief goods

Bukod kay Umali, pinasisibak din sina councilors Gabriel Calling at Johnero Mercado, Barangay Chairmen Ramon Garcia at Richard Medina, at iba pang city official na sina Leoncio Daniel, Emelita Muyot, Fannie Bugayong, Lutgarda Domingo, Teresa Castelo at Irenfa Palma.
File

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman na sibakin na sa puwesto sina Cabanatuan Vice Mayor Emmanuel Antonio Umali at 10 iba pa dahil umano sa pagre-repack ng relief goods mula sa pamahalaan para magamit sa kampanya noong 2016.

Bukod kay Umali, pinasisibak din sina councilors Gabriel Calling at Johnero Mercado, Barangay Chairmen Ramon Garcia at Richard Medina, at iba pang city official na sina Leoncio Daniel, Emelita Muyot, Fannie Bugayong, Lutgarda Domingo, Teresa Castelo at Irenfa Palma.

Ayon sa Ombudsman, nagkaroon ng grave misconduct, grave abuse of authority at conduct prejudicial to the best interest of service ang grupo ng bise alkalde.

Kung sakali mang wala na sa puwesto ang mga ito, kailangan magbayad ng mga ito ng katumbas sa 3 buwan nilang suweldo, ayon sa Ombudsman.

Bagaman kasama sa mga dinawit sa anomalya, ibinasura naman ng Ombudsman ang reklamo laban kina dating Gov. Aurelio Umali at 8 iba pa dahil sa kawalan ng hurisdiksyon.

Nauna ng iniulat na pinalabas umano nina Umali na galing sa ka­nilang partido ang mga relief aid na mula sa Department of Social Welfare and Development. 

Show comments