Impeach 8 justices dinedma ng Speaker

Ayon kay Alvarez, wala namang basehan para i-impeach ang walong Justices dahil ginawa lang nila ang kanilang trabaho nang katigan ang quo warranto petition.
Krizjohn Rosales

MANILA, Philippines — Binalewala lang ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang plano ng Magnificent 7 na ipa-impeach ang walong mahistrado ng Korte Suprema na nagpatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Alvarez, wala namang basehan para i-impeach ang walong Justices dahil ginawa lang nila ang kanilang trabaho nang katigan ang quo warranto petition.

Paliwanag pa niya na hindi dapat parusahan ang mga mahistrado na gumawa lamang ng kanilang tungkulin alinsunod sa kanilang responsibilidad sa ilalim ng konstitusyon.

Show comments