MANILA, Philippines — Inabswelto na rin ng Sandiganbayan si dating PCSO General Manager Rosario Uriarte sa kasong plunder kaugnay ng P366 milyon na intel fund case.
Naging kapwa akusado ni Uriarte si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Base sa desisyon na ipinalabas ng Sandiganbayan first division, inabswelto nila si Uriarte matapos pagbasehan ang July 2016 decision ng Korte Suprema na nagbabasura sa plunder case.
Iginiit pa ng anti-graft court na walang naging ebidensiyang naiharap ang prosekusyon na magpapatibay sa alegasyon.
Kasabay nito, inalis na rin ang Hold Departure Order (HDO) laban kay Uriarte.
Si Uriarte ang kahuli-hulihang kapwa akusado ni Arroyo sa nasabing kaso na napawalang sala.