Proklamasyon ng 1,000 SK winners sinuspinde

MANILA, Philippines — Pansamantalang sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng nasa 1,000 mga kandidato para sa SK elections.

Ito’y matapos makumpirmang lumagpas na sa age requirement ang nasabing mga kabataang kandidato o nakalabag sa anti-dynasty provision ng SK elections.

Ayon kay Comelec acting Chairman Al Parreño, aabot pa sa 4,000 hanggang 5,000 mga katulad na kaso ang isinasailalim sa review kahit tapos na ang Barangay at SK elections. Dagdag pa ni Parreño, meron din silang mga sinuspending mga kandidato para sa barangay captain at kagawad.

Sinabi naman ni Comelec Commissioner Luie Guia, meron silang sinusunod na proseso para palitan ang mga mananalong diskwalipikadong kandidato.

Anila, dapat na naging tapat ang mga kandidato upang naiwasan ang nasabing aberya.    

Show comments