Kahit nagbitiw, Wanda Teo hindi pa ligtas sa imbestigasyon ng Ombudsman

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng Office of the Ombudsman ang pinaniniwalaang iregularidad sa P60-milyon advertising deal sa pagitan ng Department of Tourism (DOT) at ng People’s Television Network Inc. (PTNI).

Kinumpirma ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales kahapon na inumpisahan na ng kaniyang opisina ang motu propio or self-initiated investigation sa kontrobersyal na ad placements ng DOT sa Bitag Media Unlimited Inc. (BMUI) ni Ben Tulfo na kapatid ni Teo.

Aniya humingi na rin sila ng audit report sa Commission on Audit upang tingnan ng mga imbestigador mula sa Ombudsman’s Field Investigation Office (FIO).

BASAHIN: Romulo-Puyat bagong Tourism secretary

“We have initiated an investigation. We have written the COA chair requesting that we be furnished with the audit report. From there, we can move on and see if there is a need to conclude the investigation for fact-finding and if there is necessity, we will (conduct) preliminary investigation,” ani Morales.

Sa ilalim ng internal rules ng Ombudsman, kailangan ng FIO na maghain ng formal complaint kung nakakita ito ng sapat na ebidensya sa kanilang imbestigasyon. Matapos nito, ang reklamo ay sasailalim sa preliminary investigation ng Ombusdsman central office.

Kinuwestyon ng COA ang tatlong cheke na nagkakahalaga ng higit P60 million na ini-release ng PTNI sa BMUI.

Ang BMUI ay isang block-timer sa PTNI’s television channel PTV-4. Ang P60-million kabayaran ay para sa anim na minutong DOT advertisement segment at tatlong minutong DOT spot sa “Kilos Pronto,” isang magazine-news program na produced ng BMUI para sa PTV-4.

Sinabi ng COA na ang buong kabayaran ay ibinigay sa BMUI sa kabila ng kakulangan ng pormal na kontrata gayun din ang iba pang supporting documents katulad ng Certificate of Performance, aprubadong Budget Utilization Request at Billing Statement na nagdedetalye ng deliverables.

Naglabas ang PTNI na kanilang statement na nagsasabing naibiggay nila ang mga kinakailangang dokumento sa panahon ng exit conference sa audit team.

Related video:

Show comments