MANILA, Philippines — Puwede na ngayong i-rate ng mga pasahero ang sinasakyang taxi na may metro na gumagamit ng applications ng mga bagong Transport Network Companies (TNCs).
Ito’y ayon kay Atty. Aileen Lizada, boardmember ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay makaraang i-require na rin ng ahensiya na sumailalim din sa APP ang mga metered taxi para sa kapakanan ng mga pasahero nito.
Sinabi ni Lizada na maaari nilang i-blacklist ang taxi operators at taxi drivers na may mababang rating. Makikita din dito kung sino sa taxi operators o drivers ang mapapatawan ng penalty oras na lumabag sa LTFRB rules and regulations.
Ani Lizada, ang mga metered taxi na may prangkisa ay sasailalim sa mga bagong TNCs na Hirna, Hype at Micab. Ang TNVS naman na GRab, Owto at Golag ang APPS na gagamitin ng mga private cars na nagsasakay ng pasahero kaakibat ang dalang provisional authority mula sa LTFRB.
Umaasa ang LTFRB na sa pamamagitan ng ibat -ibang TNVS ay magkakaroon na ng patas na kumpetisyon at mapapagkalooban ng mas magandang serbisyo ang mga mananakay sa bansa partikular sa Metro Manila.