MANILA, Philippines — Muli na namang itinaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pwesto sa pagsasabing magbibitiw siya kapag hindi naipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa susunod na buwan.
“So let us fast-track ‘yung BBL. Itong BBL, hindi naman sino-solo ang Moro land… magdadala lang ng boses ng Moro para mapakinggan at maayos natin,” wika ni Duterte sa paglulunsad ng Maguindanao Balik Baril Program.
Naka-recess ang Kongreso at sa Mayo 15 pa ito magbubukas kaya naman nais ng pangulo na madaliin ang pagpapasa nito.
“At ako nangangako ako na before May, lulusot ‘yan after, before the end of May,” pagtitiyak ni Duterte.
“Kapag hindi, baka mag-resign ako pagka-presidente. Inyo na lang ‘yan hindi ko talaga kaya. Wala ring silbi eh. Kung bigyan mo lang naman ako ganitong administrasyon, until the end of my term, frankly, I would rather resign. Napapagod na ako to solve the problem,” dagdag niya.
Ilan sa mga layunin ng panukalang batas na maipatupad ang 2014 Comprehensive Agreement on the Bangsamoro at ang pangkapayapaang kasunduan sa pagitan ng mga terorista at gobyerno.
Sinabi ni Duterte na gagawin niya ring land reform area ang buong Mindanao, kung saan magkakaroo ng pagkakakitaan ang pibliko.
“I am willing na ‘pag transition o wala pa, I will declare the whole of Mindanao a land reform area. Lahat ibigay ko, pati ‘yung lupa ng gobyerno. ‘Yung bukid mataniman mo ng rubber, mataniman mo ng palm oil. Ibigay ko,” ani pangulo.
“Hanapin ninyo ‘yung lupa ng gobyerno o ‘yung mga kampo ng military, ‘pag nagkaroon tayo ng kapayapaan, inyo na ‘yan.”