Election materials ilalabas na

MANILA, Philippines — Sisimulan na nga­yong linggo ng Commission on Elections ang deployment ng mga election paraphernalia patungo sa mga local COMELEC offices.

Ayon kay COMELEC Commissioner Sheriff Abas, unang-unang ipadadala ang mga balota at supplies sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM na siyang pinakamala­yong lugar sa April 25, Miyerkules.

Habang pinakahuli namang bi­bigyan ng supplies ang National Capital Region o NCR sa May 8 hanggang 9. Paliwanag ng Comelec, kailangan na maihanda na ang mga election paraphernalia sa lahat ng lalawigan upang maiwasan ang pagkukumahog.

Bagama’t local election lamang ito, kaila­ngan pa rin na handa ang lahat dahil ipupuwesto ng nasa grassroots ang kanilang maging local leaders.

Show comments