NFA at DA pupulungin

Nasa larawan ang mga bigas na halagang P39 kada kilo na inilulan sa truck sa bodega ng National Food Authority para ideliber sa iba’t-ibang bahagi ng kalakhang Maynila kahapon. Sinabi ni Nueva Ecija Rice Millers Association President Mel Coronel na ipinasya nilang ibaba ang retail price na P42 sa P39 bawat kilo ng bigas bilang pagtupad sa kanilang pangako kay Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang pamahalaan na gawing mura ang bigas para makayanan ito ng mga konsiyumer habang hinihintay ang pamalit sa rice buffer stock ng NFA. May kaugnay na ulat sa pahina 6. (Kuha ni Michael Varcas)

MANILA, Philippines — Muling pupulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Food Authority (NFA), NFA Council, Department of Agriculture (DA), mga rice traders kasama ang mga magsasaka.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sa linggong ito ay muling uupo si Pangulong Duterte sa NFA Council meeting sa Malacañang.

Magugunita na noong nakaraang linggo ay inutusan nito si NFA Administrator Jayson Aquino na mag-angkat na ng bigas matapos maubos ang stock ng NFA at balewalain nito ang NFA Council.

Samantala, isang insider sa Malacañang ang nagsabi na may ‘sama ng loob’ daw si Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco Jr. kay Pangulong Duterte dahil mas pinanigan nito si NFA Admin. Aquino kaysa sa NFA council.

Show comments