MANILA, Philippines — Ikinokonsidera ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na banta sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataang (SK) election ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command Chief Lt. Gen. Benjamin Madrigal, na banta na rin sa darating na eleksyon sa Mayo ang mga miyembro ng NPA lalo na ang mga nasa malalayong lugar.
Paliwanag pa ni Madrigal, tiyak na tatangkain ng mga NPA na impluwensiyahan ang mga kandidato na posibleng mananalo.
Bukod dito, minomonitor na rin umano ng militar kung sino ang mga kandidato na sinusuportahan ng nasabing rebeldeng grupo.
Subalit sa ngayon ay wala pa namang namomonitor ang militar dahil mag-uumpisa pa lamang ang kampanyahan sa mga susunod na araw.
Giit pa ni Madrigal, sa ngayon ay aktibo pa rin ang militar sa mga lugar na inaasahang magiging magulo at patuloy pa rin ang kanilang operasyon laban sa mga rebeldeng grupo.