MANILA, Philippines — Walang pinagsisisihan ang abogadong si Larry Gadon nang tawagin niyang bobo at taas ng “dirty finger” ang mga taga-suporta ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sinabi ni Gadon na hindi siya papayag na mainsulto kaya naman pinag-iisipan niyang ipa-disbar ang sarili upang mabawian ang mga nambatikos sa kaniya.
“I was thinking of actually filing a petition to the Supreme Court to disbar me. If this bar thing is the only thing that will constrain me from getting back at them, then I’d rather lose my license. I cannot allow myself to be insulted,” pahayag ni Gadon sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News Channel.
“And not only that, they were [also] insulting the Supreme Court, justices and even President [Rodrigo] Duterte. At that time, passions are high. They cussed at me so I cussed back,” dagdag niya.
Inulan ng batikos si Gadon dahil sa kaniyang inasal, ngunit walang pakialam ang abogado na naghain ng impeachment laban sa punong mahistrado.
“People will remember me for being the one who boldly filed a case against Sereno unlike other lawyers who are all, I might say, cowards.”
Sinabi ng Integrated Bar of the Philippines na maaaring imbestigahan si Gadon kapag may naghain ng pormal na reklamo.
Sa kasalukyan ay nahaharap sa dalawang disbarment case si Gadon dahil sa pahayag niya na papatayin niya ang mga Muslim, habang ang isa pa ay dahil sa kaniyang inasal sa pagdinig ng House justice committee.