MANILA, Philippines — Gugulong simula bukas, Huwebes, ang preliminary investigation ng Department of Justice sa naunang ibanasurang drug case laban kina confessed drug dealer Kerwin Espinosa, Cebu-based businessman Peter Lim, inmate Peter Co at iba pa.
Ito ang kauna-unahang high-profile case sa pamumuno ng bagong kalihim ng DOJ na si Secretary Menardo Guevarra.
Pangungunahan ni Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera ang pag-iimbestiga sa kasong isinampa ng Philippine National Police-Crime Investigation and Detection Group.
BASAHIN: Bagong DOJ chief rerepasuhin ang kaso vs Kerwin, Napoles
Nakatakdang humarap sa imbestigasyon ang mga inireklamo bukas ganap na ala-1 ng hapon.
Bukod kina Espinosa at Lim, dawit din sa kaso sina re Lovely Impal, Marcelo Adorco, Max Miro, Ruel Malindangan, Jun Pepito at iba pang nakilala lamang sa kanilang mga palayaw.
Natuklasan naman na patay na pala sina Miro at Pepito matapos magpadala ng subpoena ang DOJ.
Ibinasura ng mga piskal sa ilalim ng pamumuno ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang kaso laban kina Espinosa at iba pa dahil sa kahinaan ng reklamo.
Related video: