MANILA, Philippines — Siniguro kahapon ni Pangulong Duterte na magiging katuwang ng Pilipinas ang China at iba pang bansa sa Asya upang labanan ang kriminalidad at iligal na droga.
Kakampi rin ng Pilipinas ang China sa paglaban sa terorismo at violent extremism.
“With China, we stand together in the war on criminality and illegal drug trade. We are shoulder to shoulder in the fight against terrorism and violent extremism. Make no mistake, there can be no progress without stability in Asia’s lands and waters” sabi ng Pangulo sa Boao forum na ginanap sa Hainan, China.
Ayon sa Pangulo, walang aasahang progreso kung walang katatagan sa mga lupain at karagatan ng Asya.
“Let me say it again. The Philippines destiny is in Asia. The Philippines is ready to work with all nations in the region to seek friendship and cooperation.”
Sabi pa ng Pangulo, ang Pilipinas at China ay magkatuwang upang itaguyod ang kinakailangang mga infrastructure.
Ipinagmalaki rin nito ang mga nagawa ng kanyang administrasyon para sa peace and order sa Pilipinas gayundin ang paglaban sa corruption, illegal drugs upang maging kaiga-igaya ito sa mga investors.