MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng dalawang komite ang paggamit ng mas malaking plaka at pang identifying marks sa mga motorsiklo.
Layon ng panukala na nakalusot na sa House committees on Transportation at Public Order and Safety na mabawasan ang tinatawag na motorcycle crime o krimen kung saan motorsiklo ang ginagamit na behikulo ng mga salarin.
Sa ilalim din ng panukala, binibigyan ng otorisasyon ang Land Transportation Office para itakda ang size ng plaka ng motorsiklo basta kailangang mababasa ito sa minimun distance na 12 metro.
Sinabi naman ni House Public Order and Safety Committe chairman, Romeo Acop na inaasahan na nilang magiging deterrent ito sa motorcycle crime dahil mas magiging madali ang pagtukoy sa motorsiklo na gamit sa krimen.
Nakasaad din sa panukala na kung ang isang kriminal ay gagamit ng isang impounded na motorsiklo, maximum penalty ng krimeng ginawa nito ang ipapataw ng hukuman.