‘Mag-resign kung suko na sa akin’

Sinabi ng alkalde sa kanyang pahayag sa ika-19 na Women’s Summit Meeting sa Lungsod ng Davao, na walang bilib ang House Speaker sa kanya porket isa lamang siyang babae. 
Edd Gumban

Sara kay Alvarez

MANILA, Philippines — Muling hinamon ni Davao City Mayor Inday Sarah Duterte-Carpio si House Speaker Pantaleon Alvarez na magbitiw sa puwesto sa mababang kapulungan ng Kongreso kung totoong sumusuko na ito sa kanilang bangayan.

Sinabi ng alkalde sa kanyang pahayag sa ika-19 na Women’s Summit Meeting sa Lungsod ng Davao, na walang bilib ang House Speaker sa kanya porket isa lamang siyang babae.

“”Gi-easy-easy ko niya because feeling nako kay tungod kay babae ko, Sa tan-aw nako, kung lalaki ko, magduha-duha siguro siya ug atraka,” saad ng presidential daughter.

Matatandaang nagsimula ang “away” ng dalawang opisyal sa hirit ni Alvarez na kabilang sa oposisyon ang alkalde dahil sa pagbuo nito ng Regional Political Party na Hugpong ng Pagbabago na wala rin umanong basbas kay Pangulong Duterte.

Unang inamin ni Speaker Alvarez na suko na siya sa nakababatang Duterte ngunit ayaw magsalita kung tinangka rin niyang mag-reach out at makipagsundo.

“No comment ako diyan. Surrender na nga ako e. Surrender na,” sabi ni Alvarez.

Show comments