Trillanes, Lewis idineklarang ‘persona non grata’ sa Davao

Nagkaisa ang mi­yembro ng Davao City Council na aprubahan ang resolusyon na nagdedeklarang persona non grata kina Sen. Trillanes at Nicolas-Lewis.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Idineklarang “persona non grata” sa Davao City Council sina Sen. Antonio Trillanes IV at mayamang philantrophist na si Loida Nicolas-Lewis dahil sa kanilang pagi­ging kritikal kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagkaisa ang mi­yembro ng Davao City Council na aprubahan ang resolusyon na nagdedeklarang persona non grata kina Sen. Trillanes at Nicolas-Lewis.

Ilang ulit na inakusahan ni Trillanes na nagkamal ng ill-gotten wealth si Pangulong Duterte at pilit din nitong inuugnay ang anak ng Pangulo na si dating Vice-Mayor Paolo Duterte sa smuggling activities.

Isinusulong din ni Trillanes na imbestigahan ng Senado ang umano’y joint bank accounts nina Davao City Mayor Sara Duterte at Pangulong Duterte na mariing itinanggi ng Pangulo. 

Samantala, inakusahan naman ng Pangulong Duterte si Lewis na sangkot sa planong pagpapatalsik sa kanya sa puwesto at base sa ibinigay sa kanyang transcript ng komunikasyon ay nakipag-sabwatan umano si Nicolas-Lewis sa International Criminal Court (ICC) para imbestigahan siya kaugnay sa “crimes against humanity” dahil sa inilunsad na drug war ng Duterte government.

“The truth, definitely, hurts. My statement was based on the December 2015 statistics of the PNP that Davao has the highest incidence of murder and second highest in rape. The people of Davao either know it but tolerate it out of fear or they’ve actually believed the lie that was fed to them that Davao City is the safest city in the world,” wika naman ni Sen. Trillanes bilang sagot sa pagdedeklara sa kanya na persona non grata sa Davao City.

Show comments