MANILA, Philippines — Tumama na sa kalupaan ng Surigao del Sur ang bagyong “Basyang” ngayong Martes ng umaga, ayon sa state weather bureau.
Naitala ng PAGASA ang landfall ng bagyong may international name na Sanba ganap na 9:15 ng umaga sa bayan ng Cortes.
Dahil dito ay humina na ang bagyo na huling namataan sa bayan ng Cantilan kaninang alas-10 ng umaga.
Taglay na lamang ni Basyang ang lakas na 55 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 75 kph, habang gumagalaw pa kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 25 kph.
Wala na namang nakataas na tropical cyclone warning signal number two ngunit signal number one pa rin sa mga sumusunod na lugar:
Luzon
Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo groups of islands
Visayas
Aklan
Capiz
Antique
Iloilo
Guimaras
Negros Occidental
Negros Oriental
Siquijor
Bohol
Cebu
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Southern section of Samar
Southern section of Eastern Samar
Mindanao
Dinagat Islands
Surigao del Norte
Surigao del Sur
Agusan del Norte
Agusan del Sur
Camiguin
Misamis Oriental
Northern section of Bukidnon
Lanao del Norte
Northern section of Lanao del Sur
Misamis Occidental
Northern section of Zamboanga del Norte
Sa Biyernes pa inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo.