Pagtanggal sa lisensya ng Rappler walang pulitika - Digong

Sa pahayag ng Pa­ngulo kagabi sa inagurasyon ng mga bagong equipment ng CAAP, isa lamang ang appointee niya rito, si Emilio Aquino habang ang apat kabilang ang chairperson na si Teresita Herbosa ay pawang appointees ni Aquino.  File

MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ni Pa­ngulong Duterte na walang pulitika sa naging desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa Rappler dahil puro appointed ng nakaraang administrasyon ang nakaupo rito.

Sa pahayag ng Pa­ngulo kagabi sa inagurasyon ng mga bagong equipment ng CAAP, isa lamang ang appointee niya rito, si Emilio Aquino habang ang apat kabilang ang chairperson na si Teresita Herbosa ay pawang appointees ni Aquino.

“In this country, the issue is not press freedom. The issue is about abuse of the elite,” wika ng Pangulo.

“It’s never been political. Wala akong pakialam dyan. Pero may nasilip... sabihin ninyo, harassment,” paliwanag pa ni Duterte.

Idinagdag pa ni Digong, marami pa siyang sisibakin sa gobyerno kasunod ni CHED chairman Patricia Licuanan lalo yung mahilig sa junket.

Aniya, 3 police gene­ral at 49 na pulis ang kanyang sisibakin sa linggong ito.

“I am on a purging spree, and I will continue to do this. I’ll be firing more people, and those who are into the wanderlust. If what you do on your trips do not impact the lives of the people, better think of resigning,” dagdag pa nito.

Show comments