Witness sa P6.4 B shabu smuggling kinasuhan ng BIR

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice ng kasong tax evasion sina Yi Shen Dong alyas Kenneth Dong at star witness sa P6.4 bil­yong shabu smuggling na si Mark Taguba.

Ayon sa BIR, bigong mabayaran ni Dong ang nasa P11 milyong income taxes noong 2013 at 2016 habang P850.57 million ang hinahabol ng BIR na hindi nabayarang buwis ni Taguba.

Maalalang nakaladkad ang pangalan ng dalawa sa shabu shipment mula bansang China na nasabat ng Bureau of Customs (BoC) sa Valenzuela City.

Si Taguba ay sinasabing BoC fixer na nagpalusot sa shipment habang si Dong ay isang negos­yante at umano’y Customs “middleman” sa naturang kontrabando.

Humarap din ang dalawa sa imbestigasyon ng Senado kaugnay ng maanomalyang shabu shipment.

Show comments