Special session ‘di na kailangan
MANILA, Philippines — Hindi na kailangan pa na magkaroon ng special session ang Kongreso para pag-usapan ang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay House Majority leader Rodolfo Fariñas, itinakda na ni Speaker Pantaleon Alvarez na tapusin ang deliberasyon para sa draft ng BBL bago mag-adjourn ang Kongreso sa March 21, 2018.
Paliwanag pa ni Fariñas na hindi nila maaring i-compress lahat ng schedule nila, kaya hihilingin nila kay Pangulong Duterte na hindi na magsagawa ng special session kaya pipilitin na lamang nila itong tapusin bago magbakasyon ang Kamara.
Matatandaan na sa pahayag ni Pangulong Duterte sa Bangsamoro Asembly sa bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao na hihilingin niya sa Kongreso na maglaan ng kahit isang special session para dinggin ang kahilingan ng mga moro.
Ngayong Disyembre ay may naka-schedule na mag-ikot sa mga lalawigan ang nasabing mga committees para sa konsultasyon ng BBL.