MANILA, Philippines - Anim na sundalo ang kinasuhan dahil sa pagnanakaw sa magulong Marawi City.
Ayon sa militar, isang opisyal at limang enlisted na sundalo ang sangkot sa nakawan.
Libu-libong residente ang lumikas mula nang sumiklab ang kagulugan sa lungsod matapos sumugod ang ISIS-inspired na Maute terror group.
Tumagal nang limang buwan ang kaguluhan bago itinigil ng militar ang kanilang opensiba kasunod ng pagkakasawi nina Isnilon Hapilon at Omar Maute.