Aguirre pamumunuan ang BuCor

Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa House of Representatives nitong Hulyo 24, 2017. Philstar.com/AJ Bolando

MANILA, Philippines — Kinuha ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang pamumuno ng Bureau of Corrections (BuCor) kasunod ng pagbibitiw ni Director General Benjamin Delos Santos.

Kinumpirma ni Delos Santos nitong Hulyo 13 na nagbitiw siya sa BuCor matapos ihayag ni Aguirre na muling nagbalik ang kalakaran ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison.

Sinabi naman ng kalihim sa isang kautusan na naka leave lamang si Delos Santos.

"In the interest of the service, and in view of the indefinite leave of absence of BuCor Director General Benjamin C. De Los Santos, the under signed, in his capacity as Secretary of Justice, vested by law with the powers granted under Republic Act No. 10575 or the 'The Bureau of Corrections Act of 2013,' shall directly supervise the management and operations of the BuCor, which are not within the ministerial powers of its Officer-in-Charge," nakasaad sa kautusan.

Pansamantala lamang ang pamamahala ni Aguirre sa kawanihan hanggang makahanap makahanap ng kapalit kay Delos Santos.

Nabanggit din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pag-usbong ng ilegal na droga sa mga kulungan ng bansa.

“Diyan sa Bilibid, miski anong gawin natin, pasok pa rin ng pasok ang mga... and because ang droga, bumalik na naman. Allegedly around 400 kilos were the reason for the shootout where somebody died there sa Muntinlupa because of this,” wika ng pangulo sa anibersaryo ng Bureau of Jail Management and Penology.

Show comments