QUEZON, Philippines – Aabot sa 50 drug surrenderee mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ang magtatapos ng job training na ipinagkaloob ng TESDA sa nasabing lalawigan ngayong araw.
Ayon kay P/Senior Supt. Roderick Armamento, Quezon police director, opisyal na magtatapos ang 50 drug surrenderee mula sa 15-araw na training na sumailalim at nakapasa sa medical examination.?
Napag-alamang magiging rescuer ang mga drug surrenderee sa panahon ng kalamidad at kabilang sila sa mga miyembro ng Emergency Response Team (ERT) at pagkakalooban ng honorarium.?
Ang mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang nagbibigay ng kaalaman sa mga surrenderee na sasailalim sa rapelling, WASAR, CPR, vehicular and fire incident response at earthquake responsive method.
Nakatanggap ng P300 kada araw ang mga surrenderee sa huling tatlong araw ng kanilang training bilang tulong pangkabuhayan.