AIPA suportado ang hakbang ng ASEAN vs. terorismo, droga

MANILA, Philippines - Napagkaisahan ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) na maki­pagtulungan sa ASEAN sa pagtugon sa mga suliranin sa rehiyon gaya ng sa terorismo, sa  South China Sea at ibang usaping pandagat, drug trafficking at pagtaguyod ng karapatan ng mga migranteng manggagawa. Desidido ang mga ito na gawing epektibong instrumento ang AIPA sa pagsulong, pagpanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.  Ang pangakong ito ay nakapaloob sa AIPA Message na binasa ni House Speaker at AIPA President Pantaleon Alvarez sa Interface ng mga pununo ng pamahalaan at estadong kasapi  ng ASEAN kasama ang mga parliamentaryo ng AIPA saPhilippine International Convention Center.

 

Show comments