15-minute break sa saleslady

MANILA, Philippines - Nais ni Senator Nancy Binay na magkaroon ng batas na mag-aatas sa mga may-ari at operators ng mga malls, department stores, stalls, at iba pang kahalintulad na lugar na payagan ang kanilang mga sales ladies na magkaroon ng 15-minutes na break kada ikalawang oras.

Layunin ng panukala ni Binay na maamiyemdahan ang section 132, Chapter 1, Title III ng Labor Code of the Philippines upang maisama ang 15-minutes break ng mga empleyada ng mga malls at kahalintulad na establesimiyento.

Nakasaad na sa nasabing batas na dapat may nakalaan ring upuan sa mga kababaihan na maaring magamit kung hindi sila nagta-trabaho o ma­ging sa oras ng kanilang trabaho basta’t hindi ito nakakaapekto sa kanilang duties at kahusayan sa pagta-trabaho.

 

Show comments