DuterteNomics ilulunsad

MANILA, Philippines - Nakatakdang ilunsad ng Department of Finance (DOF) at Presidential Communications Operations Office (PCOO), sa pakikipagtulungan ng Center for Strategy, Enterprise & Intelligence (CenSEI), ang DuterteNomics sa isang forum sa Abril 18, Martes sa Conrad Hotel, Pasay City. 

Ang DuterteNomics ang economic at development blueprint para sa Pilipinas ni Pangulong Duterte.

Kabilang dito ang kasalukuyang fiscal policies, comprehensive big-ticket infrastructure programs at upgraded social services na tina-target para lumago ang ekonomiya at maging “high middle-income economy” ang bansa sa pagdating ng 2022.

Si Executive Secretary Salvador Medialdea ang magbubukas ng forum samantalang si Finance Secretary Carlos Dominguez, miyembro ng economic team ng Pangulo ang magbibigay ng keynote address. 

Kabilang sa mga magsasalita sa forum sina Secretary Martin Andanar ng PCOO, Presidential Spokesperson Ernesto Abella, DPWH Secretary Mark Villar, DOTr Secretary Arthur Tugade at President at CEO Vince Dizon ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Magsisilbing official hashtag ng event ang #DuterteNomics.

Show comments