Alejano hinamon ni Duterte na maunang makipag-away sa China

MANILA, Philippines -  Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na pangunahan nito ang laban sa China dahil sa pagtatapang-tapangan nito.

“I would be glad to send him as the first batch of delegation of Filipinos who’d want to take the Spratly Islands and all of those they occupied now,” tugon ni Pangulong Duterte kay Alejano na nanguna sa pagsasampa ng impeachment at pagkukunsidera ng paghahain ng supplemental complaint sa isyu ng Benham Rise.
“Sige. Siya ang mauna. Maraming galit na nangyari sa ganon. Ako, it would be a slaughter for the Filipinos to do that. ‘Yung kanyang tapang-tapangan, huwag munang… do not compare me with you. You are all cowards. Alam ninyo nakita ‘yung kagitingan ninyo noong nag-mutiny, kaya mga walang hiya kayo,” sabi pa ng Pangulo.

Wika pa ni Duterte, nagkaroon na ng pagkakataon noon ang Magdalo para ipakita ang kanilang tapang sa publiko matapos nilang isagawa ang Oakwood mutiny at mang-agaw ng hotel sa Makati.

“Nagwara-wara kayo ng mga armas doon. Nag-agaw kayo ng hotel. That is the only one you are capable of doing: to invade the hotel and then thereafter to surrender. Huwag mo nga akong pakitaan ng mga yabang kahit ano. I mean, ‘yung ano ba ‘yung ginawa nila -- yung grupo nila?”giit pa ni Duterte.

Nasubukan na ang tapang ng grupo ni Alejano at nabigo ang mga ito na ipamalas ang kanilang katapangan.

“So do not talk about bravery and all of these things. You are actually a shame. Pinag-aral kayo, ginastuhan ng gobyerno tapos ganoon ang ginawa mo sa bayan,” giit pa ng chief executive.

Show comments