Pagpapalit ng mga opisyal ng Philracom, giit kay Digong

MANILA, Philippines - Hiniling ng anti-graft group na Anti-Trapo Movement of the Philippines kay Pangulong Duterte na palitan na ang matataas na opisyal ng  Philippine Racing Commission (Philracom) na nagsagawa ng umano’y katiwalian sa gobyerno kaya nalugi umano ang pamahalaan ng milyong halaga ng pondo.

Ito ang nakasaad sa sulat na isinumite ng ATM kay Pangulong Déterte bunga ng umano’y pag­kabigo ng mga opisyal ng Philracom na mapigilan ang illegal online sarong  sa ilang off-track betting (OTB) stations sa bansa.

Una nang nagsampa ng kasong graft  ang grupo ni  ATM founder Leon Peralta sa tanggapan ng Ombudsman laban sa mga opisyal ng Philracom na pinangungunahan ni Philracom  Chairman Andrew Sanchez dahil sa kawalang aksiyon umano ng ahensiya na sawatain ang online sarong sa OTBs.

 

Show comments