Manager ng planta, itinumba

BULACAN , Philippines - Napa­tay ang 51-anyos na manager ng planta matapos itong pagbabarilin ng riding-in- tandem assassins sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Santa Cruz, bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng umaga.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Ferdinand Cheng ng Envirocare Management Precision Inc. at nakatira sa nasabing bayan.

Base sa imbestigasyon ni PO3 JayJay Quilang, lulan ng owner-type jeep (XSW 746) ang biktimang patungo sa trabaho nang tambangan ng tandem sa bisinidad ng Maunlad Homes. Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng cal.45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments